Saturday, 9 December 2017

Renaissance

Renaissance
Isang bagong pananaw na nagbigay pangako, tiwala at sining sa mga tao sa Spainang pumalit. Ang mga pagbabagong ito ang hudyat sa simula bf isang bagong panahon na kinilala sa kasaysayan ng renaissance. Ang Renaissance ay mula sa sailitang pranses na nangangahulugang muling pagsilang. Ito ang panahong tumutukoy sa mulibg pagsibol ng mga pagbabagong kultural. Sa panahong ito, nabago ang pananaw ng mga tao at tinalikdan nila ang mga pamahiin tungkol sa pagkakasakit ng tai at paniniwla at mga gawain ng panahong medyibal. Muli pinanumbalik ang kagalingan ng tao. Tinularan ang pamumuhay at kultura ng mga sinaunang kabihasnan ng Greece at Rome. Ang ganitong tunguhin ay umiral mula ika 14 hanggang ika16 siglo. Ang Renaissance ay isang panahon kung saan ang interes sa kalikasan ng mga mamamayan ay muling nabuhay. Binigyangdaan nito ang pagbabago sa iba’t ibang larayangan. Nagkaroon ng kaunlaran sa ekonomiya. Naging inspirado ang mga eksplorer na maggalugad ng mga lupain. Nagsilbi ring ispirasyon ang panahong ito sa mga mangangalakal. Nakilala ang mga tao na may kakayahan sa iab’t ibang larangan ng sining, siyensiya at pamamahala. Ang diawa ng Renaissance ay nagbigay ng kalayaang intelektuwal na nagsilbing tuntungan sa pagpasok ng sumusunod na panahon. Sumigla ang mga tao at ginamit ang kanilang kakayahan na tumuklas ng mga bagay bagay na nagbunga ng mga kapakipakinabang na kaisipan.


Replesyon:
Tunay at lubos ko ng naintindihan ang paksang ito na kung tawagin ay Renaissance. Ito pala ay isang nanggaling sa salitang pranses na ang ibig sabihin ay muling pagsilang. Mas lumalaim na ang aking pagintindi sa Renaissance at mas dumami ang aking nalalaman patungkol sa paksang ito.

No comments:

Post a Comment