Ang Monaryalismo o senyoralismo ay
isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumisibol noong unang panahon
lalong lalo na sa gitnang kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak
ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Ang sistemang ito ay
hindi rin nagtagal ng mahabang panahon. Isa itong sistemang pangekonomiya kung
saan ang mga taga bukid ay nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari,
pinuno o mayari bilang kapalit ng proteksyon. Bukod pa dito sa ilalim ng
monaryalismo, tungkulin ng isang panginoong may lupa na bigyan ng pabahay,
lupang sakahan at proteksyon ang mga naninirahan sa manor.kapalit nito ang
paglilingkod ng mga tao sa pangangailangan ng kanilang panginoong maylupa.
Bukod pa dito, ito ay isang sistemang agricultural na nakasentro sa mga
nagsasariling estado na kung tawagin ay manor. Ang manor ay lupaing sakop ng
isang panginoong maylupa na binubuo ng kanynang kastilyo, simbahan at pamayanan
na may 15 hanggang 30 pamila. Kabilang din sa nasasakupan ng panginoong maylupa
ang mga bukirin, pastulan at gubat na nakapalibot sa manor. Halos lahat
ngprodukto at serbisyo ay ginagawa sa loob ng manor na pinatatakbo ng isang
panginoon.
Repleksyon:
Ako’y natuto ng sobra sa aking
pagreresearch na ginawa. Mas lumawak ang aking mga kaalaman patungkol sa
monaryalismo. Napagalaman ko din na ang monaryalismo pala ay patungkol lamang
sa sistemang agricultural. Nalaman ko din na ang monaryalismo pala ay isang
makaprinsipyong organisasyon. Bukod pa dito nalaman kong ito pala ay nakasentro
sa mga nagsasariling estado. Tunay na mas lumalim ang aking kaalaman tungkol sa
monaryalismo ng dahil lamang sa pag gawa ng blog na ito.
No comments:
Post a Comment