Bourgeoisie
Noong panahong piyudalismo,
maaaring hari, maharlika o mga may mataas na katungkulan sa simbahan ang mga
may control sa mga bayan. Nang umunlad ang mga bayan, kalakalan at industriya,
isang bagong pangkat ng nakapangyarihang tao ang lumitaw. Ang kanilang interes
ay magnegosyo kaysa makidigma. Tinatawag silang burghers o bourgeoisie. Ito ay
tumutukoy sa mga malalayang tao sa mga bayan sa Europe noong panahong Medyibal.
Ang salita ay unang inukol sa mga nakatira sa mga bayan ng France noong
panahong Medyibal. Sila ang umokupa sa posisyon sa pagitan ng mga magsasaka a
sa mga maharlikang mayari ng lupa. Hindi nag tagal, tumutukoy na ito sa mga
gitnang uri ng tao sa ibang bansa.
Kadalasan, ito ang mangangalakal, negosyante at mga artisan. Sa pagdaan
ng panahon, nakasama na rin sa pangkat ang mga bangkero at mga enterprenyur. Sa
pagunlad ng mga lungsod ng mga lungsod noong Panahong Medyibal bilang mga
sentro ng kalakalan at komersiyo, ang mga bourgeoisie ay naging mahalagang
pangkat ng sosyo ekonomiko. Kadalasan, nagpapangkat pangkat sila upang bumuo ng
korporasyon at guilds upang mapangalagaan ang kanilang interes. Nanguna sa
pangkat ng burghers ang mga mangangalakal at bangkeri. Ang kanilang mga anak na
lalaki ay nakapagaral sa mga unibersidad sa loob at labas ng bansa. At sa
taglay nilang mga salapi, natuto silang maging negosyante. Ang nmatagumpay na
mga negosyante ay nakatulong sa pagbabago ng mga bansa sa huling bahagi ng
Panahong Medyibal.
Repleksyon:
Ang natutunan ko sa blog na aking ginawa ay tungkol lamang sa kasaysayan ng bourgeoisie. Lumawak at mas naging mas malaming ang aking naging pagkaintindi ngayon dahil sa munting research na aking nagawa. Ito pala ay tumutukoy sa mga malalayang tao sa mga bayan sa Europe noong panahong Medyibal na ngayon ko lamang napagalaman. Mas naging maliwanag na ngayon ang ibig sabihin ng bourgeoisie para sakin dahil sa munting blog na ito.

No comments:
Post a Comment