Saturday, 9 December 2017

Piyudalismo

Ang piyudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pagaari ng panginoon ng lupa o mayari ng lupa ay ipinsasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matpat sa panginoong mayari. Bukod pa dito, isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon.  Ito ay isang sistemang political at military sa kanlurang Europe noong Gitnang Panahon. Sa panahong ito, nanaig ang kaguluhan, nabalutan ng kawalan ng katarungan at proteksiyon ang lipunan. Ito din ay isang ugnayan ng mga aristokrata o ng panginoon at kanyang basalyo. Pinagkalooban ng mga panginoon ang kanilang basalyo ng lupa kapalit ng serbisyong militar at iba pang paglilingkod. May dalawang dahilan ang pinagugatan ng piyudalsimo. Isa rito ang ugnayang namagitan sa pangkat ng mandirigmang Aleman sa kalakhang Europe noong gitnang Panahon. Ang  Ang basalyo ang nagmamayari ng lupa ngunit isinusuko niya ang lupang ito para sa kanyang seguridad. Noong panahon ng piyudalismo, hindi sapat ang seguridad ng isang simpleng mamamayan. Tinatawag na fief ang lupang isinuko. Nagkakaroon ng omahe o pagbibigay-dangal ang pagkilala ng isang basalyo o tenanting dapat siyang maging tapat sa kanyang panginoon sa pamamagitan ng isang seremonya bilang pagiisa ng panginoon at ng basalyo.

Repleksyon:
Sa pamamagitan ng aking pagreresearch at sa pag agawa ng blog na ito. Natutunan ko at mas nalaman ang malalim na kahulugan ng piyudalismo. Mas naging maliwanag ang kahulugan ng piyudalismo sa aking pagiisip at mas naging malawak ang aking pagkakaintindi tungkol sa paksang ito. Nalaman ko din na ang piyudalsimo pala ay isang Sistema ng pamamalakad ng lupain. Tunay na ang pagreresearch ay mas nakakalawak ng kaalaman tungkol sa isang bagay.


No comments:

Post a Comment