Saturday, 9 December 2017

Repormasyon

Repormasyon
Sa panahon ng Renaissance, nagpasok ang Simabahang Katoliko sa isang magulong sitwasyon. Ang mga kristiyano mula sa iba’t ibang antas ng tao sa lipunan ay naging mulat sa nagaganap na katiwalian at makamundong gawain sa Simbahan. Sumibol ang bagong panawagan para sa reporma. Sa panahong Medyibal, nailinis ang Simbahan ang kanilang institusyon. Ngunit noong 1500, ang panawagan sa reporma ay nawasak sa pagkakaisa ng mga kristiyano sa Europe, tinawag itong Repormasyon. Noong ika-14 at 15 siglo, tinuligsa nina John Hus at John Wycliffe ang mga kaugalian ng simbahang katoliko. Ang kanilang paniniwala ay nagugat sa kanilang mga opinion na ang simbahan ay nagiging makamundo at tiwali. Pagsapit ng ika-16 na siglo, ang hindi pagsangayon sa simbahan ay lumawak lalo na sa Germany. Bukod pa rito, ito ay isang kilusan sa loob ng Simbahang Katoliko Romano na ang panginahing layunin ay baguhin, pabutihin o muling hubugun at painamin ang Simbahang Katoliko Romano. Nagsimula ito noong dekada 1500. Ang unang kapanahunan nito ay ang tinatawag na Repormang Katoliko. Nagkaroon ito ng maraming mga katampukan. Bukod pa rito, ito din ang yumanig sa kakristyanuhan na humantong sa pagkakahati ng simbahang kristiyano.

Repleksyon:
Bukod sa nalaman ko na ang repormasyon pala ay umusbong noong dekada 1500. Nalaman ko rin na ito pala ay din ang yumanig sa kakristyanuhan na humantong sa pagkakahati ng simbahang kristiyano. Tunay na nadagdagan ang aking kaalaman dahil sa pag gawa ng blog na ito at dahil narin na pagreresearch. Bukod pa dito, mas lumawak ang kahulugan ng repormasyon sa aking pagiisip.


Piyudalismo

Ang piyudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pagaari ng panginoon ng lupa o mayari ng lupa ay ipinsasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matpat sa panginoong mayari. Bukod pa dito, isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon.  Ito ay isang sistemang political at military sa kanlurang Europe noong Gitnang Panahon. Sa panahong ito, nanaig ang kaguluhan, nabalutan ng kawalan ng katarungan at proteksiyon ang lipunan. Ito din ay isang ugnayan ng mga aristokrata o ng panginoon at kanyang basalyo. Pinagkalooban ng mga panginoon ang kanilang basalyo ng lupa kapalit ng serbisyong militar at iba pang paglilingkod. May dalawang dahilan ang pinagugatan ng piyudalsimo. Isa rito ang ugnayang namagitan sa pangkat ng mandirigmang Aleman sa kalakhang Europe noong gitnang Panahon. Ang  Ang basalyo ang nagmamayari ng lupa ngunit isinusuko niya ang lupang ito para sa kanyang seguridad. Noong panahon ng piyudalismo, hindi sapat ang seguridad ng isang simpleng mamamayan. Tinatawag na fief ang lupang isinuko. Nagkakaroon ng omahe o pagbibigay-dangal ang pagkilala ng isang basalyo o tenanting dapat siyang maging tapat sa kanyang panginoon sa pamamagitan ng isang seremonya bilang pagiisa ng panginoon at ng basalyo.

Repleksyon:
Sa pamamagitan ng aking pagreresearch at sa pag agawa ng blog na ito. Natutunan ko at mas nalaman ang malalim na kahulugan ng piyudalismo. Mas naging maliwanag ang kahulugan ng piyudalismo sa aking pagiisip at mas naging malawak ang aking pagkakaintindi tungkol sa paksang ito. Nalaman ko din na ang piyudalsimo pala ay isang Sistema ng pamamalakad ng lupain. Tunay na ang pagreresearch ay mas nakakalawak ng kaalaman tungkol sa isang bagay.


Renaissance

Renaissance
Isang bagong pananaw na nagbigay pangako, tiwala at sining sa mga tao sa Spainang pumalit. Ang mga pagbabagong ito ang hudyat sa simula bf isang bagong panahon na kinilala sa kasaysayan ng renaissance. Ang Renaissance ay mula sa sailitang pranses na nangangahulugang muling pagsilang. Ito ang panahong tumutukoy sa mulibg pagsibol ng mga pagbabagong kultural. Sa panahong ito, nabago ang pananaw ng mga tao at tinalikdan nila ang mga pamahiin tungkol sa pagkakasakit ng tai at paniniwla at mga gawain ng panahong medyibal. Muli pinanumbalik ang kagalingan ng tao. Tinularan ang pamumuhay at kultura ng mga sinaunang kabihasnan ng Greece at Rome. Ang ganitong tunguhin ay umiral mula ika 14 hanggang ika16 siglo. Ang Renaissance ay isang panahon kung saan ang interes sa kalikasan ng mga mamamayan ay muling nabuhay. Binigyangdaan nito ang pagbabago sa iba’t ibang larayangan. Nagkaroon ng kaunlaran sa ekonomiya. Naging inspirado ang mga eksplorer na maggalugad ng mga lupain. Nagsilbi ring ispirasyon ang panahong ito sa mga mangangalakal. Nakilala ang mga tao na may kakayahan sa iab’t ibang larangan ng sining, siyensiya at pamamahala. Ang diawa ng Renaissance ay nagbigay ng kalayaang intelektuwal na nagsilbing tuntungan sa pagpasok ng sumusunod na panahon. Sumigla ang mga tao at ginamit ang kanilang kakayahan na tumuklas ng mga bagay bagay na nagbunga ng mga kapakipakinabang na kaisipan.


Replesyon:
Tunay at lubos ko ng naintindihan ang paksang ito na kung tawagin ay Renaissance. Ito pala ay isang nanggaling sa salitang pranses na ang ibig sabihin ay muling pagsilang. Mas lumalaim na ang aking pagintindi sa Renaissance at mas dumami ang aking nalalaman patungkol sa paksang ito.

Merkantalismo

Merkantalismo
Sumibol ang Rebolusyong Komersiyal sa pagitan ng ika 14 hanggang ika 17 siglo. Sa rebolusyong komersyal naipakilala ang mga baging paraan ng pakikipagkalakalan. Ito ay ang mga Sistema ng pagbabangko, saping puhunan, pagtaas ng presyo at ang pagsulpot ng kapitalismo o pamumuhunan na nagbigaydaan sa sistemang merkantalismo. Ang merkantalismo ay isang patakarang pangekonomiya na umiral sa Europe noong ika16,17 at 18 siglo na kung saan kontrolado ng gobyerno ang industriya at kalakalan. Ayon sa tearya, ang kapangyarihan ng isang bansa ay lumalakas kapag mas malaki ang pagangkat kaysa sa pagluluwas. Ang sisteang merkantalismo ay may tatlong paniniwala. Mahalagang bahagi ng merkantalismo ang kolonyalismo o ang pananakop ng mga lupain. Sa pagsasakatuparan nito, ginalugad at sinakop ng mga merkantalista ang mga lupain na makapagtustis sa kanila ng ginto o maging ang mga kalakal na likas na wala sa kanilang mga hawak na bansa. Isang magadang halimbawa nito ay ang isinagawa sa pilipinas ng mga espanyol, hindi pinahintulutan ang mga kolonya na magtatag ng industriya na maaring kakompetensiya nila sa paglikha ng mga produkto. Naging tungkulin ng mmga kolonya at pagkonsuma ng mga kalakal na ginawa ng bansang mananakop.


Replesyon:
Lubos kong naunawaan ngayon ang ibig sabihin ng Merkantalismo dahil sa pagreresearch na aking ginawa. Ito pala ay pautungkol lamang sa patakarang pangekonomiya. Mas naging malawak ang aking kaalaman tungkol sa Merkantalismo at mas naintindihan ko pa ang paksang ito sapagkat nagkaroon ng isang malawak na paliwanagan ng dahil sa aking nabasa. Nalaman ko din na ito pala ay umiral sa Europe noong ika16, 17 at 18 siglo.

Bourgeoisie

Bourgeoisie
Noong panahong piyudalismo, maaaring hari, maharlika o mga may mataas na katungkulan sa simbahan ang mga may control sa mga bayan. Nang umunlad ang mga bayan, kalakalan at industriya, isang bagong pangkat ng nakapangyarihang tao ang lumitaw. Ang kanilang interes ay magnegosyo kaysa makidigma. Tinatawag silang burghers o bourgeoisie. Ito ay tumutukoy sa mga malalayang tao sa mga bayan sa Europe noong panahong Medyibal. Ang salita ay unang inukol sa mga nakatira sa mga bayan ng France noong panahong Medyibal. Sila ang umokupa sa posisyon sa pagitan ng mga magsasaka a sa mga maharlikang mayari ng lupa. Hindi nag tagal, tumutukoy na ito sa mga gitnang uri ng tao sa ibang bansa.  Kadalasan, ito ang mangangalakal, negosyante at mga artisan. Sa pagdaan ng panahon, nakasama na rin sa pangkat ang mga bangkero at mga enterprenyur. Sa pagunlad ng mga lungsod ng mga lungsod noong Panahong Medyibal bilang mga sentro ng kalakalan at komersiyo, ang mga bourgeoisie ay naging mahalagang pangkat ng sosyo ekonomiko. Kadalasan, nagpapangkat pangkat sila upang bumuo ng korporasyon at guilds upang mapangalagaan ang kanilang interes. Nanguna sa pangkat ng burghers ang mga mangangalakal at bangkeri. Ang kanilang mga anak na lalaki ay nakapagaral sa mga unibersidad sa loob at labas ng bansa. At sa taglay nilang mga salapi, natuto silang maging negosyante. Ang nmatagumpay na mga negosyante ay nakatulong sa pagbabago ng mga bansa sa huling bahagi ng Panahong Medyibal.

Repleksyon:
Ang natutunan ko sa blog na aking ginawa ay tungkol lamang sa kasaysayan ng bourgeoisie. Lumawak at mas naging mas malaming ang aking naging pagkaintindi ngayon dahil sa munting research na aking nagawa. Ito  pala ay tumutukoy sa mga malalayang tao sa mga bayan sa Europe noong panahong Medyibal na ngayon ko lamang napagalaman. Mas naging maliwanag na ngayon ang ibig sabihin ng bourgeoisie para sakin dahil sa munting blog na ito.




Monaryalismo

Ang Monaryalismo o senyoralismo ay isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumisibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Ang sistemang ito ay hindi rin nagtagal ng mahabang panahon. Isa itong sistemang pangekonomiya kung saan ang mga taga bukid ay nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno o mayari bilang kapalit ng proteksyon. Bukod pa dito sa ilalim ng monaryalismo, tungkulin ng isang panginoong may lupa na bigyan ng pabahay, lupang sakahan at proteksyon ang mga naninirahan sa manor.kapalit nito ang paglilingkod ng mga tao sa pangangailangan ng kanilang panginoong maylupa. Bukod pa dito, ito ay isang sistemang agricultural na nakasentro sa mga nagsasariling estado na kung tawagin ay manor. Ang manor ay lupaing sakop ng isang panginoong maylupa na binubuo ng kanynang kastilyo, simbahan at pamayanan na may 15 hanggang 30 pamila. Kabilang din sa nasasakupan ng panginoong maylupa ang mga bukirin, pastulan at gubat na nakapalibot sa manor. Halos lahat ngprodukto at serbisyo ay ginagawa sa loob ng manor na pinatatakbo ng isang panginoon.

Repleksyon:
Ako’y natuto ng sobra sa aking pagreresearch na ginawa. Mas lumawak ang aking mga kaalaman patungkol sa monaryalismo. Napagalaman ko din na ang monaryalismo pala ay patungkol lamang sa sistemang agricultural. Nalaman ko din na ang monaryalismo pala ay isang makaprinsipyong organisasyon. Bukod pa dito nalaman kong ito pala ay nakasentro sa mga nagsasariling estado. Tunay na mas lumalim ang aking kaalaman tungkol sa monaryalismo ng dahil lamang sa pag gawa ng blog na ito.





Piyudalismo

Ang piyudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pagaari ng panginoon ng lupa o mayari ng lupa ay ipinsasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matpat sa panginoong mayari. Bukod pa dito, isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon.  Ito ay isang sistemang political at military sa kanlurang Europe noong Gitnang Panahon. Sa panahong ito, nanaig ang kaguluhan, nabalutan ng kawalan ng katarungan at proteksiyon ang lipunan. Ito din ay isang ugnayan ng mga aristokrata o ng panginoon at kanyang basalyo. Pinagkalooban ng mga panginoon ang kanilang basalyo ng lupa kapalit ng serbisyong militar at iba pang paglilingkod. May dalawang dahilan ang pinagugatan ng piyudalsimo. Isa rito ang ugnayang namagitan sa pangkat ng mandirigmang Aleman sa kalakhang Europe noong gitnang Panahon. Ang  Ang basalyo ang nagmamayari ng lupa ngunit isinusuko niya ang lupang ito para sa kanyang seguridad. Noong panahon ng piyudalismo, hindi sapat ang seguridad ng isang simpleng mamamayan. Tinatawag na fief ang lupang isinuko. Nagkakaroon ng omahe o pagbibigay-dangal ang pagkilala ng isang basalyo o tenanting dapat siyang maging tapat sa kanyang panginoon sa pamamagitan ng isang seremonya bilang pagiisa ng panginoon at ng basalyo.

Repleksyon:
Sa pamamagitan ng aking pagreresearch at sa pag agawa ng blog na ito. Natutunan ko at mas nalaman ang malalim na kahulugan ng piyudalismo. Mas naging maliwanag ang kahulugan ng piyudalismo sa aking pagiisip at mas naging malawak ang aking pagkakaintindi tungkol sa paksang ito. Nalaman ko din na ang piyudalsimo pala ay isang Sistema ng pamamalakad ng lupain. Tunay na ang pagreresearch ay mas nakakalawak ng kaalaman tungkol sa isang bagay.